Tuesday, September 13, 2005

Paglalakbay (amid the China Sea on a 20-person capacity pump boat en route to Cagayancillo, Palawan, Philippines on a medical mission)

Bawat ungos ng katig sa asul na karagatan
Ay nagbabadya ng iyong ginintuang kadakilaan.

Panginoon ngayon kami'y nagpupugay
Sa gitna ng mga alon iyong marahang hinihipan
Upang maghatid sa amin sa bayang nakalaan
Mahinahon ang ihip iyong inutusan
Payapa ang dibdib sa iyong kandungan

Purihin ka, purihin ka
Maging saan pa man
Tunay kang matapat
Ang iyong pag-aaruga'y
Walang kapantay,walang sukdulan

Sa dagat ng mundo
Na walang katiyakan
Kapag ikaw ang gabay, ikaw ang kasama
Kahit ikaw lamang
Tunay ang luwalhating mahahantungan.

No comments: